musicas.mus.br

Letras de músicas - letra de música - letra da música - letras e cifras - letras traduzidas - letra traduzida - lyrics - paroles - lyric - canciones - HIMALA NG PAG-IBIG - SHARON CUNETA - música e letra

Utilize o abecedário abaixo para abrir as páginas de letras dos artistas

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Himala Ng Pag-Ibig letra


Hindi nagkakaiba simula ng ating buhay
Doon sa sulok ng daigdig na kapos sa kapalaran
Ang bawat araw na nagdaan ay 'di malimutan
Paghihirap ko'y madagdagan
Mayroon pa bang ibang paraang mabuhay
Oh, mm

Kaya sa iba't ibang landas ako ay napadpad
Hangga't 'di ko nahahanap
Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin
Kahit na lumipas at darating pang bukas

Minsan ako'y nakarinig
Isang maamong tinig mula sa 'king dibdib
Sabi niya Kapag ngiti sa puso'y nagbalik
Asahang mababago, kinagisnang daigdig

Kapag ang puso mo'y natutong ngumiting muli
Madarama'y pananabik bawat sandali
Sakaling minsan pa sa 'yo dumaan ang kalungkutan
Ang tangan mong pag-asa
Ang iyong lakas patungo sa hinihintay na bukas
Oh, ooh, ooh

Kaya sa iba't ibang landas ako ay napadpad
Hangga't 'di ko nahahanap
Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin
Kahit na lumipas at darating pang bukas

Nais ko lang ika'y tulungan
Katotohanan ngayo'y matagpuan
Matagpuan

Minsan ako'y nakarinig
Isang maamong tinig mula sa 'king dibdib
Sabi niya Kapag ngiti sa puso'y nagbalik
At may tiwala sa kapangyarihang taglay ng pag-ibig
Asahan mong may himalang magaganap
Sa buhay mo't daigdig

Sharon Cuneta - Letras

top 30 músicas

©2003 - 2026 - musicas.mus.br